Natanggap na ng Senado ang 141 mula sa 173 certificates of canvass (COCs) para sa presidential at vice presidential candidates sa katatapos palang na halalan.
Ang naturang bilang umano ay katumbas sa 81.50% ng mga COCs na inaasahang idedeliver sa Mataas na Kapulungan.
Ang latest batch ng mga dumating na COCs sa Senate building sa Pasay City ay mula sa Tawi-Tawi, Leyte, Davao City, Zamboanga del Sur, 63 barangays ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Siquijor, Bohol at Manila.
Samantala, ang mga COCs rin mula sa Agana, Kuwait, Japan at Oman ay naideliver narin sa Senado.
