Arestado ang 3 lalaki sa isinagawang operation ng City Police Office nitong Lunes, May 16, 2022 ganap na 5:50 ng gabi sa Libis Rd. Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.
Kinilala ang mga suspek na sina Homer Polea Salarda @ homer, 42 anyos, residente sa Libis Road, Barangay San Pedro; Mark Anthony Bombase Olbes, 46 anyos , residente sa Brgy. San Menuel; at si Ervin Mapalad Cacayan, 40 anyos na residente naman sa Barangay Bancao-Bancao.
Base sa ulat ng PNP, unang naaresto si Alyas Homer sa drug buy-bust operation habang sa loob ng kwarto ay naaktuhan ang dalawa na gumagamit ng ilegal na droga.
Ayon pa sa mga awtoridad, ang tatlo ay sangkot sa paglaganap ng ilegal na droga sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Samantala, ang mga suspek ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Section 5,6,7 at Section 12 ng Article II of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.