Senado, nag-commit sa Kamara na gagawing prayoridad ang parochial concerns ng mga kongresista

Nangako ang liderato ng Senado na bibigyan na rin ng prayoridad ang ilang local bills na isinusulong ng mga kongresista.

Ito ang kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez matapos ipaabot ang hiling ng mga kapwa kongresista sa bagong liderato ni Senate President Chiz Escudero.

Ayon kay Romualdez, bukod sa priority measures ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC ay pinatututukan din ng Kamara sa Mataas na Kapulungan ang local legislation lalo na ang “parochial concerns” ng bawat kongresista.

Read More:  CHED open to suggestions on proposed Reframed General Education curriculum

Nakakuha aniya ng commitment ang Kongreso kaya maganda ang pagsisimula ng usapan dahil tatapusin ng mga senador ang top 2 priority legislation o parochial concerns at pagtitibayin.

Read More:  DOH allays public fears over hantavirus threat

Mababatid na mula July 2022 hanggang June 2024 ay umabot sa 518 ang local bills na naipasa ng Kamara na naghihintay ng hakbang ng Senado.

Una rito, sinabi ni Romualdez na anuman ang babanggiting bagong priority measures ni Pangulong Bongbong Marcos sa State of the Nation Address o SONA ay handang talakayin at aprubahan ng Kamara.