Arbitral ruling sa West Philippine Sea, isinama sa inaprubahang Maritime Zones Bill

Ibinahagi ni Pangasinan Representative Maria Rachel Arenas na nagkasundo ang Kamara at Senado na ipaloob sa “Maritime Zones Bill” ang napanalunang kaso ng Pilipinas sa International Court of Arbitration laban sa China.

Ito ay ang South China Sea Arbitration PCA Case Number 2013-19 na ginamit na batayan ng maritime rights at jurisdiction ng Pilipinas.

Read More:  Taguig police officer faces administrative complaint over alleged child harassment

Ayon kay Arenas, pagpapakita ito ng commitment ng bansa sa pagkilala sa international legal rulings upang igiit ang maritime claims.

Malinaw aniyang nakasaad ang delineations ng internal at archipelagic waters ng Pilipinas.

Bukod dito, isa-isang tinukoy ang maritime features sa West Philippine Sea pati na ang extended continental shelf sa Philippine Rise at West Palawan.

Read More:  Tindig Pilipinas: protests should not shield public officials from investigation

Dagdag pa ng kongresista, pinagtitibay ng panukala ang sovereign rights patungkol sa exploration, exploitation, conservation at pangangasiwa sa natural resources gayundin ang hurisdiksyon sa artificial islands, installations at structures.

Kapag naisabatas ang Maritime Zones Bill ay lalo umanong mapalalakas ng bansa ang maritime security nito alinsunod sa umiiral na international standards ng UNCLOS.