Sen. Marcos itinangging siya ang dahilan ng pagkaantala sa pag-apruba ng RCEP

Itinanggi ni Senator Imee Marcos na siya ang dahilan ng pagkaantala sa pag-apruba ng Senado ng Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP agreement.

Ayon sa senador, bago pa man naipadala ng Office of the President ang RCEP ratification package sa Senado noong Nobyembre, nagsagawa na aniya siya ng public consultation noong Setyembre upang himukin ang DA, DTI, at BOC na tumugon sa mga concerns  na inihain ng sektor ng agrikultura at MSMEs.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Paniwala pa ng mambabatas, posibleng nakaapekto ang pagbabago sa Executive Secretary kaya nahuli ang pagpapasa ng RCEP subalit giit niya, mali na sisihin siya ni Zubiri sa pagkaantala ng pagpasa nito.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Dalawampung  senador ang bumoto ng yes sa ratipikasyon ng RCEP noong Pebrero 21. Isa ang tutol at abstain naman  ang boto ni Marcos.