Sen. Marcos, ibinunyag na hinarass ng PNP ang onion farmer na dumalo kamakailan sa Senate hearing

Ibinunyag ni Sen. Imee Marcos, na hinarass umano ng Philippine National Police ang isang onion farmer sa Bayambang, Pangasinan na kamakailan ay tumestigo sa pagdinig ng Senate panel.

Pagbabahagi ni Marcos, na nagpunta sa bahay ni Merly Gallardo na testigo sa Senate agriculture, food, and agrarian reform committee hearing at iba pang onion farmers dahil umano sa utos ng Department of the Interior and Local Government at ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Ayon sa senadora, pinapipirma umano ng sinumpaang salaysay ang mga ito na nagbabaliktad sa kanilang ibinunyag sa Senado.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Dahil dito, nakiusap ang mambabatas na huwag takutin o guluhin ang mga magsasaka ng sibuyas. Samantala, wala pa namang komento ang NTF-ELCAC executive director maging ang Interior Secretary Benhur Abalos kaugnay sa naturang isyu.