‘Not guilty’ ang naging hatol ng Sandiganbayan 5th Division para sa kasong plunder laban kay Senador Jinggoy Estrada matapos ang isang dekada.
Sa 396-pahinang resolusyon, na-aqcuit si Estrada, at si Janet Lim-Napoles sa kasong pandarambong hinggil sa prok barrel scam.
Sa kabila nito, convicted si Estrada sa isang bilang ng direct bribery; at dalawang bilang ng indirect bribery; kung saan, maaari siyang mag-serve ng walo hanggang siyam na taong pagkakakulong para sa direct bribery; at dalawa hanggang tatlong taon para sa bawat bilang ng indirect bribery.
Kaugnay nito, tiniyak ng senador na mag-aapela pa rin sila sa Korte at gagamitin nila ang lahat ng ‘legal remedies” upang mapawalang sala rito.
Samantala, nilinaw naman ng abugado ni Estrada na si Atty. Alexis Abastillas na hindi pa pinal ang nasabing disqualification case kung kaya’t maari pa ring umupo bilang senador si Estrada.
Maalala, si Estrada ang ikalawang high profile personality na dumaan sa Korte kaugnay sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam matapos ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. na napawalang sala sa kasong plunder at graft noong 2018.
Kung maalala, akusado si Estrada sa maanomalyang paggamit ng kaniyang Priority Development Assistance Fund o PDAF noong 2004 hanggang 2010.
2014 nang sumuko ito’t nakulong sa Kampo Krame; habang 2017 nang pahayag siyang makapag-bail.