Sen. Hontiveros- tiniyak na pinag-aaralan na rin nila ang pakikipagtulungan sa ibang bansa upang mabalik sa Pilipinas si Guo

Naniniwala si Senadora Risa Hontiveros na matibay-tibay naman ang mga hawak nilang ebidensya na nagsasabing nakalipad na sa ibang bansa si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ay sa gitna ng hinaharap niyang patung patong na kaso at maging arrest order mula sa kanilang institusyon.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Anya, matapos kaseng ibigay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang impormasyon hinggil dito ay nag-chime in na ang iba’t ibang awtoridad mula sa ibang bansa.

Kasunod nito, pinag-aaralan na nila ang pakikipagtulungan sa mga ito upang mapabalik sa bansa si Guo.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Samantala, binigyang-diin naman din ng senadora na malaki-laki ang dapat na i-discredit na impormasyon ng kampo ni Guo mula sa mga natanggap nila sa mga ‘very credible sources’ sa gitna ng giit ng mga ito na nasa Pilipinas pa ang dating alkalde.