Sen. Go, umapela sa COMELEC na pag-aralan ang guidelines sa paggamit ng AI sa pangangampanya

Idiniin ni Senator Cristopher Bong. Go ang kahalagahan ng pagiging ‘transparent’ ng halalan, lalung-lalo na pagdating pa lamang sa pangangampanya.

Ito ang palagay ng Senador nang matanong sa isyu ng paggamit ng artificial intelligence, ‘o ‘yung AI sa mga campaign materials.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sabi ni Go, ang pagboto ng mga Pilipino ay sagrado, kaya naman dapat ay pawang katotohanan lamang ang manaig ngayong halalan.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Dahil dito, nanawagan si Go sa Commission on Elections (COMELEC) na pag-aralang mabuti at bumalangkas ng mga guidelines para rito.