Sen. Go kumbinsidong gumanda ang anti-corruption efforts ng pamahalaan sa ilalim ng Duterte Administration

Kumbinsido si Senador Chritopher Bong Go na gumanda ang  anti-corruption efforts ng gobyerno sa ilalim ng Duterte Administration kasabay ng paghikayat sa publiko na tumulong para malabanan ang katiwalian.

Sa isang panayam matapos ang pagdalo nito sa launching ng 129th Malasakit Center sa Tondo Medical Center, sinabi ni Go na simula noong Day 1 ng panunungkulan ni Pangulong Duterte ay naging seryoso ito sa paglaban sa iligal na droga, kampanya laban sa katiwalian sa gobyerno, at kampanya laban sa kriminalidad.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ayon sa Senador naniniwala siyang nagkaroon ng malaking improvement ang paglaban sa kurapsiyon kung saan mismong si Pangulong Duterte umano mismo ang nagsilbing halimbawa sa mga Pilipino.

Aminado naman si Go na mahirap masugpo ang kurapisyon sa gobyerno lalo na’t kung hindi makikipagtulungan at hindi isusumbong ng taumbayan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Siniguro naman ni Go na handa silang makinig sa mga sumbong ng katiwalian at welcome din sa kanila ang mga imbestigasyon laban dito para lumabas ang katotohanan.

“Kami ni Pangulong Duterte ay kaisa n’yo po kami. Kahit sino pang kasamahan ko sa Senado, kaisa n’yo po kami labanan ang any form of corruption, any form of anomalies, lalabanan po namin ni Pangulong Duterte ‘yan,” pagtitiyak ni Go.