Sen. Go: ang mandaraya sa laro ay mga mandaraya rin sa buhay

Mariing kinondena ni Senate Committee on Sports, Chairperson, Senador Christopher “Bong” Go ang pandaraya sa anumang laro hindi lang basketball.

Ayon kay Go, tiwala siyang ang mandaraya sa laro ay possibleng mandaraya rin sa buhay.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Kaugnay nito, tiniyak niyang pinag-aaral na nila nang mabuti sa Senado ang Anti-Game Fixing Act na naglalayong magtakda ng mas mabigat na parusa sa mga mandaraya sa laro.

Samantala, maliban sa pagiging abala sa pagbuo ng batas ay patuloy pa rin ang pagtulong ng senador sa mga mamamayang Pilipino.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Maalala, base sa naging panayam ng Brigada Manila ay nakatakda si Go na bumisita sa mga nabiktima ng sunog mamaya sa Sta. Ana Maynila pagkatapos nitong magpaabot ng tulong ngayong umaga sa Morong, Rizal.