Sen. Dela Rosa – naniniwalang dapat hanapin si Guo tulad ng pagtugis kay Quiboloy

‘What’s good for the gander, is good for the goose’

‘yan ang sagot ni Senador Ronald Bato Dela Rosa matapos siyang tanungin tungkol sa treatment na dapat gawin sa pag-aresto kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Kasunod ito sa pagpapa-cite in contempt ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality kay Guo matapos ang hindi nito pagdalo sa pagdinig ng Senado dahil hindi umano siya mentally at physically fit.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Ayon kay Dela Rosa, kung mayroon ng arrest order si Guo mula sa Senado ay dapat lang din itong hanapin tulad ng ginagawang pagtugis kay Apollo Quiboloy na hinihinalang sangkot sa human trafficking at sexual abuse.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Maliban pa roon, nanawagan din siya sa Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) na makipag-ugnayan na sa mga local police at maging sa National Bureau of Investigation at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa mas mabilis na pagtunton.

Maalala, ang dating accountant lang ni Guo na si Nancy Gamo ang matagumpay na nasilbihan ng arrest order ng OSAA sa kanilang naging operasyon kamakailan.