Ikinatuwa ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairperson, Senador Ronald Bato Dela Rosa ang ipinakitang “medyo swift action” ng Korte Suprema.
Ito ay matapos agarang mag-issue ng Department of Justice (DOJ) ng warrant of arrest laban kay Jey Rence Quilario o alyas “Senior Agila” at maging sa iba pang opisyales at miyembro nitong sangkot sa kasong human trafficking.
Ayon kay Dela Rosa, nasa labingtatlo ang kabuuang bilang ng inaasahan nilang makukulong at kasama na rito ang ilang dating pulis na naging miyembro ng Socorro Bayanihan Services, Inc. (SBSI) na siyang tumutok sa training mga kabayaan.
Samantala, binigyang-linaw ni Dela Rosa na bago pa mag-adjourn ang joint hearing kahapon ay nakatanggap na sila ng kopya ng warrant of arrest para sa mga ito.
Maalala, sa nasabing pagdinig kahapon ay nagsilaban ang iba’t ibang ebidensya at testimonya na nagdidiin sa maling palakaran nina Senior Agila at ilan nitong miyembro sa loob ng Sitio Kapihan.