Selebrasyon ng Mardigras sa Olongapo, pinayagan nang matuloy ngayong taon

Pinayagan ng City Government ang grupo ng mga negosyante sa Olongapo na maituloy ngayong taon ang pagdiriwang ng Mardigras.

Ito ay kahit pa nasa ilalim pa rin ng Alert Level 1 ang lungsod at obligadong sumunod sa minimum health protocol ang lahat ng mga bisita at partisipante.

Read More:  19-year-old woman found dead in Lupon, Davao Oriental, with head injury

Ayon kay Ruben De Guzman, Presidente ng Metro Olongapo Chamber Of Commerce Inc, ilang ulit nang nakipagpulong ang grupo sa mga otoridad para tiyaking masusunod ang health standard at hindi magkakagulo ang mga pupunta sa gabi-gabing selebrasyon.

Read More:  Farmer killed, friend wounded in shooting in Sibonga, Cebu

Ang Mardigras sa Olongapo ay taunang aktibidad sa Magsaysay Drive na katatampukan ng performances ng mga kilalang banda at personalidad sa loob ng tatlong araw mula Oktober 27 hanggang Oktubre 29.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO