Inihayag ng Johnson&Johnson na kaya ng second shot ng COVID-19 vaccine nito, na ibinigay dalawang buwan matapos ang first dose, na paangatin ang effectiveness ng proteksyon nito laban sa moderate hanggang severe COVID-19 sa 94% sa Estados Unidos.
Mas mataas ito kung ikukumpara sa 70% na proteksyon na naibibigay ng single dose vaccine.

Umaasa ang J&J na magagamit nito ang datos para makumbnsi ang U.S. regulators na iotorisa ang booster shots nito.
Sa ngayon ay isinusulong ni US President Joe Biden ang booster shots sa gitna ng tumataas na bilang ng mga naoospital dahil sa Delta variant.
Mababatid na ang J&J, ay ang natatanging drugmaker na may single-shot COVID-19 vaccine na aprubado sa US.