Seafarers, OFWs isama sa A4 priority lists ng National Vaccine Roadmap – Go

Suportado ni Senador Christopher Bong Go ang apela ng mga seafarers at ilang Overseas Filipino Workers na maisama sa A4 priority category ng National Vaccine Roadmap ng pamahalaan.

Ayon kay Go dapat maisama sa priority group ang seafarers at OFWs na kailangan na umalis papunta sa ibang bansa para makapagpatuloy ng trabaho.

Malaking bagay umano kung makakabalik na sa kabuhayan nila ang naturang grupo dahil makakatulong din ito ekonomiya.

Isinusulong din ng mambabatas na maliban sa pagkakasama sa priority list dapat din mabigyan ito ng patunay tulad nga vacciie card at ikonsidera ang mga bakunang ituturok sa mga seafarers at OFWs at tanggap sa mga bansang pupuntahan nito.

Una nang nanawagan si Go sa pamahalaan na maglabas ng detalyadong guideline o panuntunan ngayong inaasahan na ang mas malawak na vaccine rollout sa mga susunod na buwan. (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *