SDS Guemo hinimok ang mga eskwelahan na patuloy na magsagawa ng earthquake drill kasunod ng malakas na lindol na yumanig sa lalawigan noong nakaraang linggo

CAMARINES NORTE- Hinimok ni Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo ang mga eskwelahan na patuloy lang ang pagsasagawa ng mga earthquake drill.

Kasunod yan ng magnitude 5. 3 na lindol na yumanig sa lalawigan noong nakaraang linggo na nagdulot ng pinsala sa ilang eskwelahan.

Ayon kay Guemo mahalaga ito dahil ang lindol ay parang magnanakaw na hindi masabi kung kailan darating kaya naman mahalaga na laging handa.

Pinasalamatan din ni Guemo ang mga school head at mga DRRM coordinator ng mga eskwelahan sa pagtupad ng mga ito sa kanilang trabaho.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Aniya sa kaniyang pag- iikot noong Biyernes ay nakausap niya ang mga guro at school personnel at sa pagkakataon umanong ito ay mas na- appreciate ng mga ito ang pagsasagawa ng mga drill.

Nasa 13 eskwelahan ang nagtamo ng major damage o nagkaroon ng crack ang slab, clolumn at beam.

Hindi napuntahan ng DepEd Engineers ang Banocboc Elementary School sa Calaguas Island sa Vinzons dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang naturang eskwelahan ang nagtamo ng pinakamatinding pinsala.

Base umano sa mga ipinadalang larawan lumabas na ang mga bakal sa dalawang classroom nito na hindi na ligtas o “unfit for occupancy” na.

Dahil dito, iniutos ni Guemo sa school head ng eskwelahan na huwag nang papasukan ang dalawang classroom  at sa halip ay gamitin na lang muna ang Temporary Learning Spaces (TLS).

Maliban sa dalawang classroom sa isla ng Calaguas ay wala naman umanong malaking pinsala ang idinulot sa mga school buildings sa mainland.