NAGA CITY –Nagpapatuloy ang coordination meeting ng Philippine National Police, Philippine Army at ng iba pang mga government agencies na may kinalaman sa kapapayaan at kaayusan sa Traslacion at Fluvial procession sa Imahe ni Inang Peñafrancia sa September 8.
Layunin nito ay upang malaman ang magiging budget, sa isang araw lamang na pagbibigay nila ng seguridad sa naturang aktibidad.
Sa paliwanag sa Brigada News Fm Naga na ginawa ni City Administrator Elmer Baldemoro,sinabi niya na pinag-uusapan pa nila ang magiging sistema ng augmentation force .
Kabilang sa paunang napagkasunduan para sa pulis at mga sundalo ay iyong hindi naman kailangan na manatili sila sa Naga City sa buong isang linggo,bagkus sa araw lamang na kailangan ang kanilang serbisyo.
Anya’y kinokonsidera kasi ng city government ang magiging gastos sa mga sa pagkain at sa accommodation na kailangan ng malaki-laking pondo rin tulad ng ginagawa taun-taon tuwing dumarating ang ganitong okasyon.
Matatandaan na nagre-request pa ang city government ng augmentation force mula sa pulisya at Phil Army para matiyak na magiging maayos ang pag procession kay Inang Peñafrancia.