Nagtala ang Pilipinas ng 5,204 na mga bagong kaso ng COVID-19 infections, dahilan para sumipa ang kabuoang infections sa 1,478,061.
Hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa anim na laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos on time.
Ayon sa Department of Health, ang mga bagong kaso ang nag0udyok para tumaas ang total active cases sa bansa sa 49,128, kung saan 89.6% dito ang mild, 4.7% ang asymptomatic, 2.5% ang severe, at 1.5% ang nasa kritikal na kondisyon.
Samantala, ang kabuoang recoveries naman ay tumaas sa 1,402,918, matapos makarekober ang 5,811 pang pasyente mula sa viral disease, habang ang death toll ay umakyat sa 26,015, matapos madagdagan ng 100 bagong fatalities.
