SC, pinagtibay ang pagiging legal ng TRAIN law

Pinagtibay ng Supreme Court ang constitutionality ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Sa botong 13-1 sa en banc session, ibinasura ng kataas-taasang hukuman ang dalawang petisyon na kumukuwestiyon sa constitutionality ng TRAIN law o Republic Act 10963.

Ayon sa SC, ang umano’y kawalan ng quorum na sinasabi sa petisyon ng Alliance of Concerned Teachers at Laban Konsyumer ay hindi tugma sa nakasaad sa official Journal ng House of Representatives noong January 15, 2018.

Binigyang diin pa ng mga petitioners na ang excise taxes na ipinataw sa diesel, coal, liquefied petroleum gas, at kerosene, ay ipinagbabawal na regressive taxes.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Pero paliwanag naman ng korte, na ang TRAIN law ay hindi nagbabawal na magpataw ng regressive taxes, kundi nag-uutos lang sa Kongreso na gumawa ng progressive system ng taxation.