Marcos, inaasahang magsasagawa ng state visit sa France

Inaasahang bibisitahin ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos ang French government sa France sa loob ng unang kalahati ng taon para sa state visit, na magiging “landmark para sa promotion ng bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at France.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Ayon kay French Ambassador to the Philippines Michèle Boccoz, tinanggap na ni Marcos ang written invitation ni President Emmanuel Macron.

Dagdag ni Boccoz, na ang naturang state visit ay magiging “very important,” bilang ito ang kauna-unahan simula noong 1989 para sa lider ng Pilipinas.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Matatandaan na si dating President Cory Aquino ang huling Filipino chief executive na nagpunta sa state visit sa France, habang ang iba ay official visit lang.

Sa gitna nito, inaasahan na tatalakayin ng dalawang lider ang tungkol sa energy, maritime at food security, maging ang biodiversity at climate change.