SBMA nilinaw na ang pagbubukas ng gate sa Perimeter Fence ay para lang sa emergency cases

Nilinaw ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA na ang pagbubukas ng gate sa Perimeter Fence ay para lamang sa mga emergency cases.

Ito ay dahil may ilang residente umano ang nagpupumilit na gawin itong daanan sakaling pupunta sa kabayanan.

Ayon kay SBMA Chairman & Administrator Rolen Paulino Sr., ang pagbubukas ng daan ay para lamang sa pangngailangang medical tuwing may emergency, pagbibigay access sa firetrucks at ambulansya.

Ang mga mag-aaral naman ng Upper Sibul Elementary School ay pinapayagang makadaan dito pero kinakailangang makapagpakita ng Identification card sa bantay na kawani ng Law Enforcement Department.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: SBMA Chairman & Administrator

May be an image of 1 person and text that says 'GET BOOSTED! MANAGE PAIN! KAYA MO ΎΑΝ! IBLUPROFEN#PARACETANOL IBUPROFENL+ PARACETAMOL FAST RELAX IF SYMPTOMS PERSIST, CONSULT YOUR FSMPTOMSPERSIST.CONSULTYOURDOTO DOCTOR.'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *