Satellite voter registration sa Naga ibabalik ng COMELEC Naga

NAGA CITY- Maghahanda ang Commission on Elections (COMELEC) para sa pagbabalik ng voter registration.

Sa pamayam kay Naga City COMELEC Officer Atty. Mico Julia, sinabi nitong maaaring sa huling linggo ng Nobyembre o sa unang linggo ng Disyembre ang resumption. Apat na buwan bago ang halalan sa Oktubre 2023 walang registration kaya naman ibabalik ang satellite registration sa mga barangay, gayundin sa mga paaralan.

Ayon kay Julia mahaba ang oras upang makapagpagparehistro kaya samantalahin na ang pagkakataon. Tatanggapin ang mga 15-17 anyos, 18 anyos at pataas na mga new registrants at magpapalipat, reactivation , correction of entry at change of status.

119, 119 ang botante sa Naga , inaasahan ng COMELEC na marami pa ang madaragdag.

Mababatid na sa bisa ng Republic Act (RA) No. 11935 sa Oktubre 2023 na ang SK at Barangay Elections.