Babae, patay matapos pagsasaksakin ng kanyang live-in partner sa Rapu-rapu, Albay

LEGAZPI CITY – Dead on the spot ang isang babae matapos pagsasaksakin ng kanyanglive-in partner sa P-4, Sitio Acal, Brgy. Mananao, bayan ng Rapu-rapu, Albay.

Kinilala ang nasawing biktima na si Princess Ebrada Bernaldez, 27 anyos, habang ang suspek naman ay si alyas “Jose” 34 anyos, isang mangingisda at parehong residente ng nasabing barangay.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PSSgt. Roel Montas, Police Investigator ng Rapu-rapu MPS, nagkaroon ng alitan ang biktima at ang suspek, hanggang sa kumuha na ito ng kutsilyo sa kusina, nilapitan ang kanyang kinakasama at bigla na lamang itong pinagsasaksak.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Nagulat na lang ang mga anak ng biktima, kung saan nagsisigagawan ang mga ito dahilan para humingi ng saklolo sa pulisya at sa mga kapithbahay nito.

Nagtamo ng tadtad na saksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan at may pukpok pa ito sa ulo.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Samantala, makalipas ang dalawang oras ay boluntaryong sumuko ang suspek sa otoridad.

Selos umano ang pinag-ugatan ng alitan kung kaya’t napatay nito ang kanyang kinakasama.

Nahaharap ang suspek sa kasong Murder, habang ito naman ay nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.