NAGA CITY- Sisimulan na ang satellite voter’s registration sa Tinambac, Camarines Sur bilang paghahanda sa halalan 2025.
Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Election Officer 3 Kirk Thomas Tate. Kakaunti pa ang pumupunta sa COMELEC office kaya habang maganda ang lagay ng panahon , sasamantalahin nila ang pagkakataong makapunta sa mga malalayo at mga coastal barangays. Naka-schedule na ngayong Marso 2 ang Union, sa ibang mga araw naman ang Canayonan, New Caaluan, Agay-ayan, Bani, Daligan at Pag-asa. Ang mga kabataan ay kailangan magdala ng birth certificate upang sigurado sa spelling ng pangalan, pati taon at petsa ng kapanganakan.
Pakiusap ni Tate sa mga kabataan seryosohin ang voter’s registration at pag ta-transfer ng registro hindi dahil sa kung saan maglalaro o magiging representante ng basketball team.