Saso – bumalik sa World No. 6 bago ang Women’s PGA Championship

Nabawi na ni Yuka Saso ang kanyang puwesto bilang World No. 6, habang hinahangad niya ang back-to-back major championship sa KPMG Women’s PGA Championship.

Napantayan ni Saso ang kanyang career-best ranking kasunod ng tagumpay sa US Women’s Open sa Pennsylvania noong nakaraang buwan.

Gayunpaman, bumagsak siya ng dalawang puwesto matapos mawala ang cut sa ShopRite LPGA Classic sa New Jersey sa sumunod na linggo.

Nagawa ni Saso na mabawi ang kanyang posisyon sa pamamagitan ng pag-overtake kina Jin Young Ko at Rose Zhang. (Justine M. Jumarang – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *