Multinational sea patrols, mabisang hakbang para maibalik ang freedom of navigation sa WPS – kongresista

Naniniwala si Bukidnon Representative Jonathan Keith Flores na mabisa ang pagsasagawa ng multinational sea patrols upang maigiit ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay Flores, maituturing na “best option” ang joint naval-coast guard patrols upang maibalik ang freedom of navigation sa ating Exclusive Economic Zone.

Read More:  Marcos, Thai PM commit to deeper partnership after ASEAN Summit talks

Gayundin ang pagkakaroon aniya ng international agreements sa pangingisda at “delimitation” sa EEZ.

Ipinaliwanag din ng kongresista na kakailanganin ang international efforts upang matukoy nang maayos sa navigational maps ang West Philippine Sea pati na ang delimitations sa mga papasuking kasunduan.

Read More:  DOH allays public fears over hantavirus threat

Dagdag naman ni Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera, kailangan ng mga Pilipinong mangingisda ng mas malalaking bangkang pangisda na irerehistro sa Maritime Industry Authority at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Bukod dito, mainam umanong mabigyan sila ng portable solar power, GPS at telecommunications equipment.