Sinuspinde ng Japanese City, Sapporo ang kanilang Olympic bid sa 2030 Winter Olympics at gaganapin ang isang nationwide poll upang masukat ang suporta pagkatapos ng corruption scandal sa Tokyo Games noong nakaraang taon.
Ang hakbang ay dumating habang ang mga prosecutors ay patuloy na nag-iimbestiga sa katiwalian kabilang ang diumano’y bid-rigging sa Covid-postponed summer games sa Tokyo.

Ang Sapporo ay nakita sanang frontrunner sa pagho-host ng Winter Games sa pangalawang pagkakataon, nangunguna sa mga karibal na Salt Lake City at Vancouver.
Sinabi ni Sapporo Mayor Katsuhiro Akimoto na ang lungsod ay nangangailangan ng oras upang bumalangkas ng malakas na mga hakbang laban sa katiwalian upang makakuha ng suporta sa publiko para sa muling pagsasagawa ng Olympic games.//CA