Sapat na roadside workers, tiniyak ng DPWH 3rd district

Tiniyak ng Department of Public Works and Highways 3rd District na nakasasapat ang mga roadside workers ng ahensiya upang makumpleto sa inilatag na time frame ang kanilang mga kasalukuyang proyekto.

Ito ang kinumpirma ni Engr. II Ryan James Manglicmot, ang tagapagsalita ng DPWH 3RD District sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Aniya, sapat naman umano ang mga project engineers, project inspectors at roadside workers sa paggawa ng kanilang mga proyekto lalo na umano ang road widening/concreting at bridge retrofitting sa kanilang nasasakupan.

Dagdag pa niya, nagkakaroon din ng meeting ang kanilang mga personnel na pinapangunahan ni Engr. Adonis Asis ang officer-in-charge at district engineer ng ahensiya upang matiyak na nasusunod ang ibinababang department orders may kaugnayan sa minimum health standards.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ayon pa kay Engr. Manglicmot, batay sa report ng kanilang Office of the COVID-19 Coordinating Group ay nasa 9 na ang empleyadong fully recovered na sa naturang virus.

Sa katunayan aniya, sa ngayon ay zero active cases na ang ahensiya sa nasabing sakit at patuloy na tinitiyak ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado.