Sangguniang Bayan ng Daet, tiniyak na pagaaralan ang mungkahi ng mga dumalo sa isinagawang public hearing nitong biyernes

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Sangguniang bayan ng Daet na kanilang pag-a-aralan at isasa-alang-alang ang mga saloobin at mungkahi ng mga dumalo sa isinagawang public hearing kaugnay sa Tricycle fare adjustment sa bayan ng Daet

Ayon kay Councilor Sherwin Asis, ito ay bilang tugon sa mga nagpapaabot ng katanungan sa Sangguniang bayan patungkol sa bagong taripa sa pasahe sa tricycle

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kinumpirma rin ng Konsehal sa kanyang Facebook post na wala pang idinedeklarang bagong taripa sa traysikel ang naturang konseho  

Anya, ang panukala ng FETODA ay P15 sa unang kilometro at P2 dagdag sa bawat kilometro ngunit ito ay pag-aaralan pa pati na ang mga mungkahi ng dumalo sa public hearing

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Habang wala pang inilalabas na bagong taripa, mananatili pa rin ang umiiral na pasahe na P15 sa unang kilometro at karagdagang P5 sa bawat kilometro.