Sandara Park, gustong maka-trabaho si Coco Martin

Muling umuwi sa Pilipinas ang pambansang krung krung at former 2NE1 member na si Sandara Park, na ikinatuwa ng kanyang mga fans.

Kasalukuyang nasa bansa si Sandara para sa bago niyang endorsement, kung saan kasama rin niya ang iba pang mga Filipino artists na sina Coco Martin, Maris Racal, at singer-rapper na si Shanti Dope.

Inamin ng K-pop star na noon pa man, pangarap niya na talagang maka-trabaho si Coco at sana’y maging leading man pa.

Fan din kasi si Dara sa mga pelikula ni Coco, lalo na ang mga pinagbidahan nitong romantic-comedy movies.

Kahit ikinatuwa ng fans ang kanyang bisita, nilinaw ni Sandara na sandali lang siya dito sa Pinas dahil kinakailan niyang bumalik sa South Korea.