“Sana All May Internet” Bill, lusot na sa Kamara

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na layong magkaroon ng mas mura at accessible na internet para sa lahat.

Sa botong 203 affirmative at zero negative ay lusot na sa Kamara ang House Bill 10699 o ang “Sana All May Internet Act”.

Tinatanggal nito ang Spectrum Users Fee o SUF na binabayaran ng telecommunications companies sa national government regulator para sa paggamit ng specific frequencies.

Read More:  DILG prepares 10K force for possible Bato arrest

Binibigyang-daan din ng panukala ang paggamit ng Wi-Fi technology at infrastructure development na inaasahang magpapababa sa halaga ng gastos sa Telco services para sa end users.

Itinataguyod umano nito ang pagpapabilis ng paggamit ng internet sa bansa at pagpapalawak ng Wi-Fi technology at infrastructure sa unserved at underserved areas upang magkaroon ng access ang mahihirap sa mapagkakatiwalaan at abot-kayang connectivity.

Read More:  Atin Ito Coalition denies ‘planted trash’ claims by Chinese media

Maglalaan ang gobyerno ng radio frequency spectrum upang isulong ang adoption ng kaukulang teknolohiya at best practices, interference-free environment at pinakamataas na pamantayan ng serbisyo.

Bukod dito, itatalaga ang radio frequency spectrum sa service providers na may kakayahan at epektibo sa pagkamit sa demand para sa data transmission services at telecommunications.

Naniniwala ang mga kongresista na sa ganitong paraan ay maeengganyo ang small providers na mamuhunan para sa mas malawak na internet service.