Iminumungkahi ng Department of Tourism (DOT) ang pagtatayo ng 24/7 tourist courts para tugunan ang mabilis na resolusyon ng mga kaso na sangkot ang mga turista.
Inihain ito ni Tourism Chief Christina Garcia Frasco sa nagdaang sectoral meeting kasama si Pangulong Bongbong Marcos.
Sa naging pagpupulong, sinang-ayunan ni Pangulong Marcos na ang Philippine National Police (PNP), at Department of the Interior and Local Government (DILG) ay makikipagtulungan sa DOT para maimbestigahan ang krimeng kaugnay ang mga turista.
Ayon kay Frasco, nakikipag-collaborate na sila sa judiciary department para sa pagtatayo ng naturang korte.
Samantala, pinaghahandaan na rin ng ahensya ang pagkakaroon ng police forces sa ilang mga lokasyon sa bansa, lalo na mga lugar na dinarayo ng mga turista.