San Juan City Mayor Zamora – nangakong magiging mas maayos na ang susunod na Wattah Wattah Festival

Tiniyak ni San Juan City Mayor Francis Zamora na mas magiging maayos na sa susunod na taon ang paggunita ng Pista ng San Juan partikular na ang Wattah Wattah Festival.

Kasunod ito ng mga viral videos kung saan ay ang iilan ay sapilitan nang nambabasa.

Read More:  Daughter of JPE responds to Cayetano following “uncle” remark

Sabi ni Zamora, aamyendahan daw nila ang existing ordinance para rito.

Mas lalagyan din daw nila ng ngipin ang multa sa mga lalabag sa kanilang itatakdang limitations.

Read More:  Labor coalition criticizes Senate leadership Change

Bago ito, una nang sinabi ni Zamora na inaaral na nila ang pagkakaroon ng mga ‘basaan zones’, ‘o ‘yung mga designated areas kung saan – doon lang sila maaaring magbasaan.