Sampu, patay matapos magbanggan ang dalawang Malaysian navy helicopters sa ere

Patay ang sampung inidbidwal matapos magbanggaan sa ere ang dalawang Malaysian navy helicopters sa isang naval parade rehearsals.

Naganap ang insidente sa Lumut naval base sa kanlurang estado ng Perak.

Ayon kay Defense Minister Mohamed Khaled Nordin, nag eensayo ang maritime operations helicopter at Fennec military chopper para sa isang parada na nagdiriwang ng ika-90 anibersaryo ng Royal Malaysian Navy, na gaganapin sa Sabado.

Sa ngayon, hindi pa kinukumpirma ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga tripunalnte, ngunit tiniyak na wala pang 40 taong gulang sa kanilang lahat.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *