Inanunsyo ng Prime Minister ng Greece na si Kyriakos Mitsotakis ang pagsasabatas ng bansa sa same-sex marriage.
Nangako rin si Mitsotakis na kahit wala pang eksaktong petsa, hindi aniya magtatagal ang timeframe sa pagsasabatas nito.
Isa itong makasaysayang desisyon, lalo na’t matagal nang hadlang rito ang Orthodox Church ng Greece, na may malaking impluwensya sa kanilang lipunan at pulitika.
Sa huli, nilinaw ng Punong Ministro na ang same sex marriages ay magiging civil unions, at hindi isasagawa sa mga simbahan ng bansa.
