Opisyal nang nagpaalam sa San Beda University si Jacob Cortez, matapos niyang ihayag ang kanyang intensyon na maglaro sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Dati nang inamin ng manlalaro na nakakuha siya ng mga offer mula sa mga iba’t ibang paaralan, kabilang na ang De La Salle University (DLSU).
Sa ganitong paraan, sinabi ni Cortez na makakalabas siya sa kanyang comfort zone kahit alam niyang mahihirapan siya sa bagong simula.
Pinasalamatan naman nito ang San Beda sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon ma-experience ang tatlong taon sa Red Lions.
