Tiniyak ni House Ways and Means Committee chairperson Albay Rep. Joey Salceda na hindi malalagay sa peligro ang pension funds ng mga government financial institutions (GFIs) kapag inilaan na ito sa ipinapanukalang Maharlika Investment Fund (MIF).
Sa isang pahayag, sinabi ni Salceda na ‘guaranteed ‘ng national government ang P275Billion na ia-acllocate sa MIF mula sa mga GFIs kabilang na ang GSIS, SSS, at iba pang state banks gaya ng Land Bank, Development Bank, at sa National Treasury.
Maliban pa rito, sinabi pa ng mambabatas na sapat ang P125Billion na magmumula sa GSIS dahil aabot aniya sa P1.5Trillion ang kabuoang halaga ng assets na mina-manage nito.
Dagdag pa ng economist lawmaker, ang Maharlika Investment Fund ay hindi matutulad sa 1Malaysia Development Berhad (1MDB) na matatandaaang nabalot sa multi-billion dollar corruption scandal.
Aniya, magkakaroon ng maraming lebel ng accountability ang MIF na pamumunuan ng 15-man board of directors sa pangunguna ng punong ehekutibo.
Kabilang sa bubuo nito ay mula sa apat na mga GFIs, independent directors mula sa Philippine Stock Exchange, Bankers’ Association of the Philippines, academe, at National Treasurer.
Magkakaroon din aniya ng advisory board na binubuo ng economic managers; isang risk management unit; at isang joint congressional oversight committe na bubuoin ng limang miyembro ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Daraan din umano ito sa tatlong layers ng auditing mula sa Commisison on Audfit, at magkakaroon ng regular na booking ng losses and profits.
Sa huli, sinabi ni Salceda na magbe-benepisyo ang lahat ng mga Pilipino sa mga economic gains ng MIF kabilang na ang mas maayos na imprastraktura, paglilikha ng mga trabaho, at sustainable energy development na magre-resulta sa mas murang kuryente, tubig, at iba pang utilities.
#
READ MORE:
