Simula bukas, araw ng Martes ay epektibo na ang bagong round ng tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Ayon sa abiso ng mga oil companies, may bawas na P1.95 sa kada litro ng gasolina.
Rollback din na P1.90 kada litro ang ipatutupad sa diesel; habang may tapyas naman na P1.65 sa kada litro ng kerosene.
Epekitibo ang adjustment bukas, alas-sais ng umaga sa Pilipinas Shell, PetroGazz, FlyingV, Petron, Phoenix, Jetti, PTT Philippines, at SeaOil; Habang hatinggabi naman bukas sa Caltex Philippines; at alas-otso sa CleanFuel Philippines.
Bago ito, una nang sinabi ng Department of Energy – Oil Industry Management Bureau na posibleng magtuluy-tuloy pa hanggang sa pagtatapos ng taon mga ipatutupad na rollback dahil sa pagbaba ng demand ng langis sa pandaigdigang merkado.
#
