Ruta ng LPTRP sa Koronadal, 3 pa lamang

KORONADAL CITY- NASA tatlong ruta pa lamang ang na-award ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa lungsod ng Koronadal kaugnay sa ipatutupad na Local Public Transport Route Plan o LPTRP.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay City Traffic Management Division o CTMD Head Joy Placer, inihayag nito na base sa Ordinance No. 17, inaasahan pa hanggang sa ngayon ang dagdag sa siyam na mga ruta sa lungsod.

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Ayon kay Placer, na habang hindi pa na-award ang ibang mga ruta, pinagsusumikapan umano ng LGU na makakuha ng isa o dalawang ruta ang mga TODAs at iba na mga transport sector sa Koronadal.

Read More:  5 NPA, underground group members surrender in Eastern Visayas

Napag-alaman, na ang tatlong ruta ay ginabibilangan ng UTODKO sa Barangay Saravia; Centro at Metro Fleet sa sentro ng lungsod.

Dagdag ni Placer, kinakailangan na may ruta ang tricycle at iba pang sektor sa lungsod bago ang pagpapatupd ng polisiyang ito.