Ruta bubuksan sa oras na bumiyahe na ang modernized jeepney ng SORFEDTRANSCO

SORSOGON CITY – Inaasahan na mas marami pang mga ruta sa lalawigan ang mabubuksan at mas marami ding mga commuters ang maseserbisyuhan, sa oras na magsimula nang bumiyahe ang karagdagang mga modernized jeepney ng transport cooperatives na miyembro ng Sorsogon Federation of Transport Cooperatives o SORFEDTRANSCO.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Sa panayam ng Brigada News kay Sales Licup, Board of Director ng nasabing pederasyon, sinabi nito na sa kasalukuyan ay pinoproseso na ng ilan sa mga nasabing mga kooperatiba ang pag-kuha ng mga unit habang ang ilan naman sa mga ito ay hinihintay na lamang ang Provisional Authority mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB. 

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Sa oras na maibigay ito ay magsasagawa lamang ng launching at agad nang bibiyahe ang nasabing mga jeepneys.