Russia, dapat umanong sisihin para sa pagpapakawala ng missiles

Binigyang diin ng senior adviser ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ang Russia ang dapat sisihin sa anumang insidente ng pagpapakawala ng missiles, matapos itong magsimula ng giyera sa kanilang bansa.

Ang pahayag ni Mykhailo Podolyak ay matapos sabihin ni U.S. President Joe Biden na ang missile na kumitil sa buhay ng dalawang tao sa Poland ay maaring hindi galing sa Russia.

Ayon kay Podolyak, malawakan ang ginagawang pang-aatake ng Russia sa Ukraine gamit ang kanilang cruise missiles.

Giit pa nito, na ginawa na ng Russia ang eastern part ng European continent bilang unpredictable battlefield. //MHEL PACIA