Ang Radio Television Malacañang o RTVM ang muling naatasan na mag-direct ng ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Bongbong Marcos.
Batay ito sa kumpirmasyon ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil sa media.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na ipinaubaya sa RTVM ang pag direk sa SONA ng Pangulo.
Matatandaang si dating Presidential Adviser for Creative Communications Paul Soriano ang nagdirek ng unang SONA ng Pangulo.
Samantala – abangan din sa araw ng Lunes, July 22, 2024 – ang #SONA2024, Brigada News Philippines Special Coverage!
Sabay-sabay nating pakinggan ang ulat sa bayan ng Pangulo, at himayin ang dalawang taon ng administrasyong Marcos.
Sabayan itong mapakikinggan sa lahat ng himpilan ng Brigada NewsFM Nationwide, at mapanonood din sa lahat ng Facebook pages at YouTube channel ng Brigada Philippines.