Higit 6,000 na mga pulis – nasampahan ng kaso; Halos 600, pinasisibak sa pwuesto

Nasampahan ng kasong administratibo ang higit 6,000 na mga pulis, habang halos 600 naman ang inirekomendang sibakin s apuwesto sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Ayon kay PNP-Internal Affairs Service Inspector General Atty. Brigido Dulay, umabot na sa 6,256 na mga miyembro ng Philippine National Police ang nabigyan ng rekomendasyon sa iba’t ibang parusa.

Read More:  INC rally pushes through with permit as up to 100,000 expected in Quezon City

Ito ay mula July 2022 hanggang July 2024.

Mula sa naturang bilang 2, 551 ang nabigyan ng sintensya, 260 ang inirekomendang i-demote, at 1, 418 ang inirekomendang suspendihin.

Ang natitirang bilang naman ay binigyan ng mas magaang parusa.

Read More:  Palace fires back at Cayetano, denies focusing only on VP Sara Duterte’s impeachment

Sinabi ni Dulay na ang mga pulis na sasampahan ng naturang kaso ay nakitaan ng simple misconduct , simple dishonesty, simple irregularity, simple neglect of duty, less grave neglect of duty, less grave misconduct, conduct unbecoming of police officer, gross incompetence at iba pang grave offenses na grave misconduct, grave dishonesty, grave irregularity at grave neglect of duty.