Rota-rota system sa lungsod, pansamantalang suspendido matapos na almahan ng mga tricycle drivers

Pansamantalang suspendido ang pagpapatupad ng Sorsogon City Ordinance No. 578 series of 2023 o ang mahigpit na pagsunod sa ruta ng mga tricycle o rota-rota system sa lungsod ng Sorsogon.

Ito’y matapos na almahan at magprotesta nitong Lunes sa harap ng City Hall ang daan-daang tricycle drivers.

Pagkumpirma ni Jose Coral, Pangulo ng Federation of Associated Tricycle Drivers and Operators o FASTOD, pinakinggan ng Pamahalaang Lungsod ang kanilang hinaing kung saan nakipag-usap umano sa kanila ang Committee on Transportation sa pangunguna ni Bacon District City Councilor Danny Deladia at Land Transportation Office o LTO.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa ngayon ay papayagan ang mga tricycle drivers na mayroong ruta na mag round-round o mag pick-up ng pasahero sa labas ng terminal sa kondisyong pagdating ng rush hour ay dapat na nasa terminal na ang lahat ng may ruta.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Samantala bukas araw ng Biyernes, Oktubre 27 ay nakatakda namang magsagawa ng Committee Hearing ang Committee on Transportation ng Sangguniang Panlungsod para talakayin ang iba pang solusyon sa nasabing usapin.