Rollback sa susunod na linggo, asahan

Matapos ang big-time na umento sa presyo ng produktong petrolyo na ipinatupad ngayong linggo, asahan naman ang roll back sa fuel prices next week.

Sa abiso ng oil industry sources, naglalaro sa P3.10 – P3.30 ang posibleng itapyas sa presyo sa kada litro ng Diesel.

Read More:  Teodoro challenges China to name politicians allegedly linked to Beijing

Samantala, P0.50 – P0.75 naman ang tantyang rollback sa kada litro ng Gasolina.

P2.10 – P2.30 ang posibleng ibawas sa presyo ng kada litro ng Kerosene.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Matatandaang ngayong linggo ipinatupad ang higit sa apat na pisong umento sa oil prices.

Asahan ang panibagong oil price adjustment sa araw ng Martes.
#