Robin na-bash matapos isama ang DLSU sa mga “Spanish-established school”

Inulan ng pamba-bash ang pahayag ni Robin Padilla na kasama ang De La Salle University (DLSU) sa mga itinatag na paaaralan noong panahon ng mga Kastila.

Sa kanyang facebook posts binanggit ng aktor ang mga Ateneo de Manila University (ADMU), DLSU, at University of Sto. Tomas (UST)bilang mga Reconquista schools.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa paninidigan ni Robin na si Lapu-lapu ay isang Moro.

Read More:  ‘2 Valid IDs’ highlights struggles of wife seeking financial aid for sick husband

Dagdag pa ng tinaguriang ‘bad boy’ na hindi umano matanggap ng Spanish schools na ang gumapi kay Ferdinand Magellan ay isang Muslim na si Lapulapu.

“Historians from this Reconquista schools will definitely say I am liar and a fool.”

Agad naman umalma ang grupong High School Philippine History Movement at sinabing ang DLSU ay itinatag noong panahon ng American colonization sa bansa.

Read More:  Maricel Soriano, Maris Racal and McCoy De Leon bag top acting honors at 74th FAMAS Awards

Sa Facebook page ng grupo sinabi nitong, “Ang De La Salle University (DLSU-Manila) ay itinatag noong June 16, 1911 noong panahon ng mga Amerikano.

Samantala tama naman si Robin sa Ateneo dahil ito ay itinatag ng Spanish Jesuits noong 1859; habang ang UST ay itinatag ng ikatlong Archbishop of Manila na si Miguel de Benavides noong 1611. (LEY BAGUIO)