Isinusulong ni Quezon City 5th District Councilor Aiko Melendez ang anti-road rage ordinance sa Lungsod kasundo ng nangyaring road rage incident sa Makati City.

Ito ay upang pabilisin ang pagproseso at mabigyan ng agarang solusyon laban sa mga agresibong motorista na nagiging sanhi ng karahasan sa kalsada.
Ayon kay Melendez, hindi dapat gamitin sa dahas ng mga gunholder at dapat mabigyan ng proteksyon ang mga biktima nito.
Kumpiyansa naman ang mambabatas na maaaprubahan ang naturang panukala na pakikinabangan ng mga residente sa Qeuzon City.