LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Camalig Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office (MDRRMO) ng monitoring sa river channels sa bayan.
Ito ay bilang paghahanda sa maaring maging epekto ng bagyong “Egay” na nagdadala ng mga pag-ulan sa lugar.
Ilan sa mga pinaghahandaan ay ang posibleng lahar flow at pag-apaw ng tubig na maaring maging delikado sa mga residente.
Samantala, paraan ito ng opisina upang mabigyan ng agarang abiso ang mga pamilya sa kanilang nasasakupan upang paghandaan ang nasabing bagyo.