Nasungkit ng Riper/Sabong On Air ang kampeonato sa WPC 6-Cock Derby na ginanap sa New Antipolo Coliseum nitong Linggo.

Ipinagpag ng mga manok nina Richard Perez at Ka Rex Cayanong ang ibang mga entries mula sa mga bigating breeder at sabungero para makuha ang titulo matapos makalikom ng limang puntos.
Unang pinadapa ng Riper/Sabong On Air ang pambato ng Malolos BTC, Wild Creek J-Lo, Digama Waste, at ClearCut.
Taob din ang sa mga manok nina Perez at Cayanong ang mga entries ng VRV GALLMAN ni Vincent Violago Manalansan at Lady Dragon ni Jimboy Jimenez.
Aabot naman sa P3.7 million kabilang na ang guaranted price ang ibinigay sa champion, runner-up hanggang sa handler at gaffer na hosted ni JP Dragon.